Programa ng Naga City Veterinary Office, pinapaigting kaugnay ng pagtaas ng rabies case sa bansa

NAGA CITY – Tumaas ng halos 8%, simula Enero hanggang Pebrero ngayong taong 2023 ang kaso ng rabies o namatay sa rabies sa Pilipinas na nasa 55 kumpara noong 2022 na nasa 51 lamang.

Ito ay ayon sa Department of Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman.  Kung saan mas maraming naitalang may kaso ang Central Luzon na nasa 11 at CALABARZON na nasa 9.

Sa Naga City, nanatiling nasa dalawa ang kaso ng rabies ngayong 2023 at sa Barangay Del Rosario ito. Ito napag-alaman kay Naga City Veterinarian Dr. Junius Elad.

Sa record ng Naga City Animal Bite, 98% sa mga ito mga dog owner ang mga nakakagat at 2% sa iba-ibang nang alaga tulad ng pusa.

Ayon pa kay Dr. Elad, dumadami man ang mga nagiging responsableng pet owner ganun din ang mga iresponsableng owner dahil halos araw-araw may nakakagat na isang indibidwal.

Kaya naman bilang pagpapalakas pa ng kamalayan sa publiko, magdadagdag pa ng mga tarpaulin na nakapaloob ang Information, Education, Communication Campaign kung paano maiiwasang hindi makagat ng aso sa mga barangay at papalakasin ang coordination sa mga Health Center lalo na layon ng opisina at ng Pamahalaan ng Naga na mabawasan ang mga nakakagat ng aso upang mabawasan rin ang pagbili o gastos sa bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *