Programang FESPA ng TESDA bukas na para sa tulong pinansyal sa mga estudyante ng Tech-Voc Education and Training

CAMARINES NORTE- Binuksan na at tatanggap na para sa Private Education Student Financial Assistance o PESFA ang Technical Education Skills and Development Authority o  TESDA para sa programanG tulong pinansyal sa mga nasa marginalized sector ngunit karapat-dapat na mga estudyante ng Tech-Voc Education and Training.

Ayon sa TESDA lahat ng mga kwalipikado ay dapat na nasa edad 15 taong gulang pataas sa simula ng training program at dapat na nakatapos ng 10-year basic education o kaya ay Alternative Learning System graduate at hindi dapat lalagpas sa P300 thousand pesos ang taunang kita ng pamilya at dapat ay isang Filipino Citizen.

Ayon sa TESDA pwedeng makapag-avail ng mga sumusunod na Libreng training at assessment at mayroon ding student allowance at Book allowance.

Bukas ang mga vocational courses na Computer Systems Servicing NC II  kung sàan ngayon ay mayroon pang  limamput dalawang (52) slots, Driving NC II labing siyang  (19) na slots,  sa Food and Beverage Services NC II  ay may labing anim (16) slots, Hairdressing NC II labing walung (18) slots, Bookkeeping NC III labing pitung (17) slots, Bread and Pastry Production NC II labing limang (15) slots, Electronic Products Assembly and Servicing NC II  mayroong labing pitung (17) slots, habang ang Shielded Metal Arc Welding NC II ay mayroong labing limang (15 ) slots naman.

Sa mga nais  mag-enroll at nais maka -avail ng scholarship, Pumunta lamang sa tanggapan ng TESDA Provincial Office  Camarines Norte na matatagpuan sa LGU Daet Compound, Barangay Pamorangon, sa bayan ng Daet, Camarines Norte at Hanapin lamang ang Scholarship Focal person ng TESDA Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *