Programang libreng gamot sa Mabalacat City, nagpapatuloy

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng libreng gamot ng Mabalacat City Government sa kanilang mga residente.

Maaaring makakuha ng libreng gamot sa MCG Central Pharmacy na matatagpuan sa Xevera tabi ng Jade Hall na bukas mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Kinakailangan lamang ipresinta ang updated and correct medical prescription na may petsa, at patient’s name.

Dapat ring nakalagay ang doctor’s name, signature at license number.

Kailangan rin na may ipakitang original latest Barangay Certificate of Indigency, at magdala ng valid ID.

Samantala, ang MCG Central Pharmacy ay binuksan ng City government para sa mga residente ng nasabing lungsod na may kakapusan sa pinansyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *