Proklamasyon sa mga winning partylist groups, target sa May 26 o 27

Target ng Commission on Elections (Comelec) na matuloy na ang proklamasyon ng mga winning partylist groups sa May 26 o 27.

Ayon kay acting poll body spokesperson John Rex Laudiangco, hinihintay nalang nila ang resulta ng special elections na isinagawa sa 12 barangays sa Tubaran, Lanao del Sur.

Kaugnay nito, inaasahang bukas ay matatanggap na ng poll body ang mga certificate of canvass (COC) mula sa Provincial Board of Canvassers of Lanao del Sur.

Sa gitna nito, tatapusin muna ang lahat ng proseso at plano ng poll body na maiproklama ang lahat ng 63 seats, kasabay ng pag-asang hindi na umano makakaapekto ang natitira sa Shanghai na 1,991.

Paliwanag pa ni Laudiangco, ang resulta sa Lanao del Sur ay sapat na para makompleto, hindi lang ng 63 seats, kundi tukuyin ang kanilang standing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *