Promosyon ng 2 bagong Police Generals, inaprubahan ni Pangulong Marcos

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang promosyon ng dalawang bagong one-star General sa Pambansang Pulisya.

Ayon sa PNP Public Information Office, isinagawa sa Kampo Crame ang Donning of Ranks Ceremony kung saan nanumpa kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., sina Police Brigadier General Restituto Arcangel, ang Director ng Police Community Affairs and Development Group at Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay, na kasalukuyang Director ng Manila Police District.

Ang promosyon ng dalawang heneral ay bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, upang itaguyod ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa kanyang mensahe, hinamon ng PNP Chief ang dalawang opisyal na patuloy na maglingkod ng may integridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *