Proper disposal ng mga facemask, pakiusap ng DENR Region 3 sa publiko

CENTRAL LUZON- Nakikiusap ang Department of Environment and Natural Resources Office Region 3 sa publiko na gawin ang tamang pagtatapon ng facemask.

Ito ay para maiwasan ang polusyon at pagkaubos ng buhay ilang na kailangan para sa balanseng kalikasan.

Paliwanag ni DENR Executive Director Paquito Moreno Jr., dapat ay nakahiwalay ang mga healthcare waste tulad ng facemask at gloves sa mga regular household waste na magdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao at kalikasan kapag hindi itinapon ng tama.

Paalala pa ni Moreno, dapat ay nakalagay ang mga ito sa hiwalay na lalagyan at mayroong label na “household healthcare wastes”.

Samantala, mahalaga aniya ang pakikiisa ng bawat isa kung saan dapat sa bahay pa lamang ay nagsisimula na ang proper waste segregation para maiwasan ang pagkalat ng covid-19.

Sa datos ng DENR mula July 2020 ay nasa 4,500 tonelada na ang nakokolekta nitong hazardous waste.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: DENR Central Luzon

May be an image of text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Tiyan" Psyllium Husk InuliFiber Inulin Fiber Aloe Vera Extract Papaya Leaf Green Tea Extract Rose Hips MALINIS NA TIYAN, MALUSOG NA KATAWAN!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *