Proposed Basud Traffic Management Authority ordinance lusot na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan ang panukalang ordinansa na lilikha ng Basud Traffic Management Authority sa regular na sesyon kahapon, February 26.

Pinagtibay ng konseho ang naunang report ng Committee on Infrastructure ang Public Utility maliban sa ilang pagbabago na resulta naman ng ginawang public hearing noong nakatalikod linggo partikular sa qualifications ng magiging enforcer.

Kabilang sa minimum qualifications para maging traffic enforcer ay dapat nakapagtapos ng senior high school sa ilalim ng bagong curriculum o K- 12 o kaya naman ay nakatuntong ng hanggang second year college.

Hindi pwedeng maging traffic enforcer ang nakapagtapos ng High School sa dating curriculum.

Sa ilalim ng proposed ordinance,  hindi maaaring i- deputize ng Land Transportation Office ang sinumang Job Order, contractual o maging ang regular at permanent employee ng LGU kahit pa sumailalim ito sa training.

Pinapayagan lang na mag- issue ng traffic citation ticket (TCT) ang mga traffic enforcer na deputized sa pamamagitan ng Executive Order ng Alkalde.

Ang magiging traffic enforcer ay tatanggap ng arawang sahod na P450.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *