Proposed death and medical assistance program ordinance para sa Barangay Officials and workers sa bayan ng Basud, tatalakayin sa committe level sa Miyerkules

CAMARINES NORTE- Itinakda ng Sangguniang Bayan ang committee meeting sa Miyerkules, March 29, para talakayin ang proposed death and medical assistance program ordinance sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Pangungunahan ito ng Committee on Appropriations kung saan ipinatawag din ang Municipal Budget Office.

Ayon kay Councilor Pablo Ablaneda ang Chairman ng komite at Temporary Presiding Officer sa isinagawang regular na sesyon nitong Lunes, March 27, hindi kasama sa priority program ng LGU ang pagpasa ng naturang ordinansa batay sa Executive and Legislative Agenda.

Batay sa panukalang ordinansa na iniakda ni Councilor Franz Inah Arana- Macale tatanggap ng P10,000.00 ang opisyal o mangagawa ng Barangay na masasawi habang nasa official function at P5.000.00 naman kapag na- injured.

Saklaw nito ang mga elected at appointed Barangay Officials kasama ang ex- officio member at Sangguniang Kabataan  Kagawad.

Kasama rin dito pero hindi limitado sa Barangay Secretary, Treasurer, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Lupong Tagapamayapa, Barangay Tanod, Child at Development Workers.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa ay maglalaan ang munisipyo ng halagang P100.000 sa Annual Budget.

Anumang halaga na hindi magamit sa loob ng taon ay ibabalik sa General Fund.

Sa sandaling hindi sapat ang halaga ay isasama ang supplemental appropriations sa mga susunod na annual o supplemental budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *