Proposed Medical Cannabis Act, approved ‘in principle’ na sa panels ng Kamara

Approved in principle na ng dalawang committees sa kamara ang panukalang batas na nagpapahintulot sa pagamit ng marijuana o medical cannabis bilang gamot sa ilang mga seryosong karamdaman.

Sa ilalim ng consolidated bills sa kamara papayagn na ang importasyon ng medical cannabis para gamiting gamot sa ilang malulubhang sakit.

Ang hakbang na ito ay napagkasunduan sa joint committee hearings ngayong hapon ng committee on dangerous drugs na pinangungunahan ni Surigao del Norte 2nd Representative Robert Ace Barbers at committee on health sa pamumuno ni Batanes lone district Representative Ciriaco Gato Jr MD.

Malinaw sa napagkasundun ng mga house panels na aangkatin sa ibang bansa ang supply ng medical cannabis at hindi papayagan ang local cultivation at manufacturing ng marijuana plants.

Dadaan pa sa plenary discussions at approval ng kamara ang proposed medical cannabis act at kakailanganin pa ang counterpart bill sa senado bgo ito mapunta sa tanggapan ng pangulo para malagdaan bilang ganap na batas
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *