Protesta ng PUP students sa harap ng House of Representatives – nauwi umano sa karahasan

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines sa harap ng tanggapan ng House of Representaives sa Batasan Hills, Quezon City.

Ito’y para sa panawagang dagdag-budget at pagtutol sa pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo sa naturang paaralan.

Kumakalat naman ngayon sa social media na naging marahas ang pagtugon ng Quezon City Police District (QCPD) dahil nakita sa video na pinaghahampas ng batuta at itinutulak ng shield ang mga mag-aaral.

Dahil dito, pinatutukan ni QC Mayor Joy Belmonte ang nangyaring insidente.

Ayon kay Belmonte, hindi niya kukunsintihin kung may nagawang paglabag man ang pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *