Prototype Unmanned Ground Vehicles, kabilang sa malawakang pagsasanay ng PA

Dalawang prototype unmanned ground vehicles na gawa ng Pateros-based Filipino tech company ang kabilang sa lalahok sa malawakang Combines Arms Training Exercise ng Philippine Army sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija na magsisimula bukas.

Ayon sa Civil-Military Operation Regiment ng Philippine Army, ang mga UGV’s na ito ay idinesenyo para sa mga partikular na misyon.

Ilan sa mga pangunahing misyon ng mga ito ay masuportahan ang mga sundalo o rescuers sa pamamagitan ng pagbibigay ng water filtration system, portable solar-powered portable “generator”at may kakayahang umikot sa mga makikipot na lugar.

Magsisilbi rin ang mga ito bilang supply platform.

Ayon sa CMOR, ang paggamit ng ganitong klaseng kagamitan ay pagpapakita lamang ng dedikasyon ng Philippine Army na mapalakas pa ang kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *