‘Provide masks for protocol violators’ – Go

Inihayag ni Sen. Bong Go na kinausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng face mask ang mga nahuhuling health protocol violators, bago pumasok sa presinto o di naman kaya ay bago payagang makauwi.

Ito ay may kaugnayan sa kautusan ni Duterte na huliin ang mga taong walang suot na face mask sa publiko, at hindi sumusunod sa iba pang health protocol.

Sinabi pa ni Go na bagama’t ayaw naman ng pangulo na ikulong ang mga violators, pero ang gusto lang naman umano nito ay disiplinahin at turuan ng leksyon ang mga talagang pasaway, lalo na’t hindi naman alam ng lahat na marami ang asymptomatic na nagdadala ng sakit kapag hindi nagma-mask po.

“Kanina po kinausap ko po si General Eleazar, ‘yung incoming PNP Chief, pati si (DTI) Secretary Mon Lopez, along with my office. Napagkasunduan po namin na kapag nahuli po ng pulis at bago ilagay sa selda at tuturuan, ile-lecture, ay bigyan po ng face mask dahil baka ang mga ito ay wala talagang pambili ng face mask, kawawa naman. Baka doon pa sila magkahawaan sa selda” pagbabahagi ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *