Provincial govt ng So.Cot, binalaan ang publiko laban sa mga scammers

KORONADAL CITY – MARIING pinabulaanan ni Provincial Information Officer o PIO Rudy Jimenea na nanghihingi ng SOP si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa mga suppliers at contractors ng mga government projects sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni Jimenea matapos na nakatanggap ng mga ulat na may mga tumatawag sa mga suppliers o contractors at nagpapakilalang si Governor Tamayo o staff nito at nanghihingi ng SOP o kickback.

Ayon sa opisyal na ang mga ito ay mga scammers na gusto lamang makapanloko kung kaya binalaan nito ang publiko na mag-ingat at i-verify muna ang mga transaksyon sa governor’s office.

Maliban sa pag-demand ng SOP, may mga gumagamit din sa pangalan ng gobernador at umu-order ng pagkain sa mga catering services at nanghihingi pa ng cellphone load.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *