Provincial govt ng So.Cot, tutulong sa Super Health Center sa Ned

KORONADAL CITY – TUTULONG ang provincial government ng South Cotabato upang mapaigting pa ang serbisyo ng kabubukas lang na Super Health Center sa Barangay Ned, Lake Sebu.

Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na magpapdala ito ng ambulansya upang may magamit sa pagbiyahe ng mga pasyente mula sa Super Health Center papunta sa mga referral hospitals.

Susuporta din ang provincial government sa doktor na magseserbisyo sa naturang pasilidad. Maliban sa Barangay Ned, may mga Super Health Centers din na ipatatayo sa ibang lugar sa South Cotabato at bibigyan din ito ng ambulansya ng Angat Partylist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *