Provincial IMT patuloy na umaapela sa publiko ng pagsunod sa health protocol dahilan sa pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte ; 18 panibagong kaso naitala kahapon

CAMARINES NORTE- Patuloy na pinapaalalahanan ng Provincial Incident Management na huwag maging kampante sa nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya

Sa operational period briefing na isinagawa nitong miyerkules, umaapela ang mga ito na sundin ang mga panuntunan na isinasaad sa ilalim ng MGCQ

Tiniyak naman ng Provincial IMT na anumang hakbang na ginagawa ng labindalawang bayan sa p=amamagitan ng kanilang MDRRMOs ay naitatala at tutugunan.

Kahapon ay muling nakapagtala ang DOH Bicol ng 18 panibagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Ang mga panibagong kaso ay nagmula sa bayan ng Daet na may 8, tig-2 kaso naman ang nagmula sa bayan ng Basud at Paracale

Habang ang Capalonga, Jose Panganiban, Labo Sta. Elena, Talisay at Vinzons ay mag tig-i-isang kaso na naitala

Sa kabuuan pumapalo na sa 656 ang kabuuang bilang ng mga naa naaapektuhan ng sakit sa lalawigan

Mula sa naturang bilang . umakyat na sa 245 ang aktibong kaso m habang nananatili sa 381 ang kabuuang bilang ng nakarekober at sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa sakit

(photo courtesy: CN-IMT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *