Provincial Inter-Agency Committee against trafficking and violence against women and their children binuo bilang pagpapalakas ng pagsusulong sa kapakanan ng mga kababaihan at kabataan

Bumuo ng Provincial Interagency Committee against Trafficking and Violence Against Women and their Children ang Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon upang mas palakasin pa ang pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.

Sa ammended version ng Executive Order No. 30-2023 ni Governor Boboy Hamor, maliban sa komiteng tututok sa mga pang- aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan, mahigpit ding tututukan ang child pornography sa lalawigan.

Sa 2023 monitoring ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children o LCAT-VAWC ng DILG, ang mga bayan ng Casiguran ay mayroong orihinal na 55% rating , Donsol 70% rating, Juban  55% rating, Prieto Diaz 55% rating at Matnog na mayroong 80% over all rating ang minomonitor ng DILG upang palakasin ang mga programang nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at mga kabataan.

Kung ang mga accomplishments naman ng mga nasabing LGUs ang pagbabasehan, mula sa highest score na 50%, nakakuha lamang ng 25% ang bayan ng Casiguran, 30% ang Donsol, 20% ang Juban, 25% ang  Prieto Diaz at 45% ang bayan ng Matnog.

Matatandaan na sa nakalipas na taong 2022 ay apat lamang na mga bayan ang sinubaybayan ng DILG para sa nasabing programa at nadagdagan ito ng isa ngayong taon, matapos na bumaba ang rating ng bayan ng Donsol mula sa 87% nitong 2022 na naging 70% ngayong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *