Provincial Office ng Comelec sa Camarines Norte nakapagtala ng 1, 194 aplikasyon sa unang linggo ng voter registration

CAMARINES NORTE – Umabot sa 1, 194 aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections sa Camarines Norte sa unang linggo ng muling pagbubukas ng voter registration para sa May 2025 national and local elections.

Batay sa datos ng Comelec Provincial Office mula February 12 hanggang 17, karamihan sa mga nagparehistro ay mga kababaihan na may 625 habang 569 naman ay mga lalaki.

Pinakamarami ang bagong nagparehistro na 18 anyos  pataas na mayroong 456 at transfer mula sa ibang munisipyo na may 436.

Nasa 107 naman ang transfer sa parehong bayan, 73 ang correction of entries, 70 ang application for reactivation at mayroon pang ibang uri ng application.

Pinakamarami ang nagparehistro sa Daet na mayroong 357 na sinusundan naman ng Paracale na may 185.

Pasok din sa top 5 na may pinakamaraming natanggap na aplikasyon ay ang Mercedes na may 161, Talisay na may 73 at Basud na may 72.

Ang bayan ng Labo na pinakamalaking bayan sa lalawigan at may pinakamaraming registered voters noong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay mayroon lang 68 naprosesong application sa unang linggo ng voter registration.

Magpapatuloy ang voter’s registration hanggang sa September 30 ng taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *