Provincial Tourism Office ikinatuwa ang pagsulputan ng mga resort kahit mayroong pandemya

CAMARINES NORTE- Ikinatuwa ng Provincial Tourism Office ang pagsulputan ng mga resort kahit nasa gitna ng pandemya.

Sa kaniyang pananalita sa pagbubukas ng 15th Rahugan Festival sa bayan ng Basud, Camarines Norte kahapon, sinabi ni Provincial Tourism Officer Mariano “Bong” Palma na nangangahulugan ito nang kumpiyansa ng mga tao sa sector ng turismo.

Tinukoy ni Palma ang ilan lang sa mga resort sa Basud na nagbukas sa kasagsagan ng pandemya.

Ani Palma nagdala ng napakahalagang leksyon ang nararanasang pandemya  at isa na dito ang pangangalaga sa mental health.

Aniya minsan ay kailangang mag- relax at pumunta sa mga magagandang tanawin at tourist destination.

Marami umanong plano ang pamahalaang panlalawigan sa sektor ng turismo at napaka swerte ng Basud dahil marami itong tourism potential mapa dagat man, bundok at ilog.

Hinimok din nito ang mga taga Camarines Norte na tuklasin ang mga tourism destination sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *