Provincial Tourism Operations Office ng Camarines Norte nagsagawa ng isang serye ng mga workshop para sa planong pagpapaunlad ng lokal na turismo sa susunod na pitong taon

CAMARINES NORTE – ‘Planning for the Future,’ ito ang naging tema ng isinagawa ng serye ng mga workshop ng Provincial Tourism Operations Office ng Camarines Norte para sa planong pagpapaunlad ng lokal na turismo sa susunod na pitong taon.

Ang resource speaker sa dalawang araw na aktibidad ay ang Local Tourism Development Plan o LTDP Consultant, at Former Regional Director ng Department of Tourism – IV B na si G. Danilo Intong at dinaluhan ng mga Municipal Tourism Officers, Municipal Planning and Development Officers, Municipal Tourism Councils at Sangguniang Bayan Committee Chairman on Tourism ng 12 munisipalidad ng lalawigan.

Bukod dito, kasama rin ang Provincial Tourism Council, Provincial Planning and Development Office at Provincial Tourism Operations Office. Ang pagpaplano para sa pag-update ng Local Tourism Development Plan (LTDP) ay para sa taong 2024-2030.Kung saan angplanong ito ay gagabay sa lalawigan at sa mga bahagi nitong LGU sa pagpapaunlad ng lokal na turismo.  ### CHRISTIAN MAGO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *