Provincial Vet, puspusan na ang assessment sa mga inilikas na hayop sa loob ng 6km PDZ ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Puspusan na ang pagsasagawa ng assessment ng Provincial Veterinary Office sa mga hayop na inilikas mula sa 6 kilometer permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.

Kung matatandaan, aabot sa 1,113 mga hayop ang inilikas na alaga ng halos nasa 460 na mga animal farmers.

Ang nasabing assessment ng opisina ay para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga hayop na nauna nang inilikas dahil sa walang tigil na pag-alburuto ng Mayon.

Ayon kay Dr. Pancho Mella, Provincial Veterinarian, hindi umano isinasantabi ng kanilang tanggapan ang mga posibleng mga sakit na makuha ng ilang mga hayop dahil sa pabago-bagong panahon.

Ang assessment na ito ay bahagi pa rin ng hakbang ng pamahalaan upang matiyak na walang animal farmers ang babalik sa mga PDZ para lang tingnan ang kanilang mga alagang hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *