PRRD, binatikos ang mga indibidwal na nagpapapila para sa donasyong pagkain sa gitna ng pandemya

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal o grupo na pinapapila ang mga tao sa gitna ng kakulangan ng pagkain na idinulot  ng community quarantines para matugunan ang COVID-19 pandemic.

Hindi naman diretsahang binanggit ng Pangulo ang tungkol sa community pantries, pero sinabi niya na ang mga nasabing aktibidad ay dahilan ng lalong pagkalat ng COVID-19.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na tahimik na naghahatid ng ayuda ang gobyerno sa mga mahihirap na Pilipino.

Pero ngayon ay napilitan siyang isapubliko ito para sabihin na meron tamang paraan para gawin ang mga bagay-bagay.

Dahil diyan ay sinabi ng Punong Ehekutibo na napilitan muli ang gobyerno na magpatupad ng quarantine para malimitahan ang mga tao sa paglabas.

Matatandaan na nagsulputan ang community pantries sa maraming lugar sa bansa para matulungan ang mga residente na nangangailangan ng pagkain sa pamamagitan ng mga donasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.