National

PRRD, iginiit na hindi dapat maging mapili ang mga Pilipino sa bakuna

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tao na ang pinipiling brand lamang ng COVID-19 vaccine ay ang gawa ng Pfizer-BioNTech.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk To The People briefing na hindi pwede maging mapili ang mga tao sa pagpapabakuna lalo na at limitado ang suplay nito.

Dagdag ng Pangulo, kailangan ay maging pantay-pantay ang distribusyon ng bakuna at hindi naman pupwede na hindi mabibigyan ang mga tao sa Visayas at Mindanao ng Pfizer vaccine.

Iginiit naman ng Punong Ehekutibo na epektibo ang lahat ng bakuna laban sa virus ngunit wala rin kasiguraduhan na hindi sila mahahawaan nito lalo na at maraming nagsusulputan na variants ng COVID-19.

Matatandaan na mismong ang Pangulo ang nagsabi noon na mas gusto nito na mabakunahan gamit ang Chinese vaccine at hindi ang gawa ng US.

Mababatid na nitong buwan lamang ang nagpabakuna na ang Pangulo gamit ang Sinopharm.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago