PRRD, isinailalim ang NCR Plus sa GCQ with restrictions para sa June 2021

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Capital Region at ang mga karatig nitong probinsya sa general community quarantine with restrictions para sa buong buwan ng June.

Sa briefing ng Pangulo at ng mga miyembro ng Gabinete ay inanunsyo nito na kasama sa mga lugar na masasailalim sa GCQ ang:

Baguio City
Kalinga
Mountain Province
Abra
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Batangas
Quezon
Iligan City
Davao City
Lanao del Sur
Cotabato City

Unang nabanggit sa briefing ng Pangulo na tatakbo ang GCQ “with restrictions” sa NCR Plus mula June 1-30 pero kalaunan ay nilinaw ng Palasyo na hanggang June 15 lamang ito.

Ipatutupad naman ang mas istriktong modified enchanced community quarantine sa mga sumusunod na lugar mula June 1-15, 2021:

City of Santiago, Cagayan
Apayao
Benguet
Ifugao
Puerto Princesa City
Iloilo City
Zamboanga City
Zamboanga Sibugay
Zamboanga del Sur
Zamboanga del Norte
Cagayan de Oro City
Butuan City
Agusan del Sur

Ipatutupad naman ang modified GCQ sa nalalabing bahagi ng bansa. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *