PRRD mas masayang bababa sa pwesto kung fully vaccinated na ang mayorya sa mga Pinoy

Mas masayang bababa sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung mayorya ng mga Filipino ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ito ang naging pahayag ng punong ehekutibo sa gitna ng mas pinalakas na vaccination drive at bumababang kaso ng virus.

Sa kanyang pre-recorded Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na tinitingnan ng gobyerno ang isang Covid-free na bansa na karamihan sa mga tao ay ganap na nabakunahan laban sa mas nakakahawang coronavirus.

Bukod sa malawakang pagbabakuna, binigyang-diin nito na ang malaking kontribusyon ng public minimum health standards sa pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Iginiit ng Pangulo na dapat maunawaan ng mga Pilipino na narito pa rin sa bansa ang kinatatakutang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *