Nanawagan muli si Pangulong Rodrigo Duterte ng universal access at epektibong COVID-19 vaccines.
Inihayag ito ng Pangulo sa GAVI COVAX Advance Market Commitment (AMC) One World Protected Summit.
Sinabi ng Pangulo na kinakailangan ang better access sa mga bakuna dahil sa hindi pantay-pantay na distribusyon nito sa buong mundo.
Iginiit ng Pangulo na kung hindi ito maitatama, ay hindi magkakaroon ng makatotohanan at inclusive global recovery.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2021/06/5-1-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Gavi, na vaccine alliance ng mga public at private organizations, habang hinihimok ang iba pang mga bansa na mag-ambag sa layunin nito.
Una nang nangako ang gobyerno ng Pilipinas ng $1-million na kontribusyon sa COVAX initiative.