PRRD, nanindigan na hindi maaring buksan ng gobyerno ang mga records sa drug war

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaring isiwalat ng gobyerno ang mga impormasyon kaugnay sa mga tao na napatay sa anti-drug at anti-insurgency operations ng security forces.

Ito ay kahit handa ang Philippine National Police na ibahagi ang impormasyon tungkol sa 61 kaso ng mga pagpatay na may kinalaman sa ilegal na droga kung saan ay pwedeng managot ang mga law enforcers.

Kagabi sa Talk to the People ng Pangulo ay iginiit nito na “confidential” ang mga records ng mga pagkamatay ng drug suspects at mga miyembro ng komunistang rebelde.

Ipinunto ng Pangulo na hindi ito dahil may tinatago silang mga impormasyon, kungdi dahil ito ay isang security issue.

Inihayag rin ng Punong Ehekutibo na maging siya ay walang access sa mga records ng mga otoridad kaugnay sa pagpatay sa mga drug lords at NPA members.

Mababatid na bumuo ang Department of Justice ng inter-agency panel para i-review ang mga kontrobersyal na pagpatay sa ilalim ng drug war ng bansa. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *