PRRD, walang nakikitang tao na deserving na palitan siya sa 2022

Walang nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit sino na deserving na mapalitan siya oras na magtapos ang kanyang termino sa 2022.

Sa isang panayam ay sinabi ng Pangulo na sinabihan niya ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na kinausap niya ng masinsinan ang kanyang anak noong isang gabi, upang sabihan ito na huwag magkakamali na tumakbo sa pagka-Pangulo.

Ipinaliwanag ng Pangulo kay Mayor Sara na wala itong makukuha na maganda sa pagiging presidente ng bansa.

Anya, puro trabaho lamang ang inaatupag ng isang Pangulo.

Mababatid na ilang ulit nang lumalabas  ang alkalde bilang number one sa mga presidential surveys sa kabila ng patuloy na pagtanggi nito na siya ay tatakbo para sa pagka-Pangulo sa 2022 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *