PSA hindi umano tumitigil sa information dissemination patungkol sa civil registration

CAMARINES NORTE – Iginiit ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi ito tumitigil sa information dessimination patungkol sa kahalagahan ng civil registration kahit hindi Civil Registration Month.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao mayroon naman talaga silang regular na aktibidad para dito sa buong taon.

Naha- highlight lang umano ngayon dahil ipinagdiriwang ang Civil Registration Month.

Ayon kay Padayao nagsasagawa umano sila ng mga aktibidad patungkol sa civil registration sa mga munisipyo sa tulong ng mga Local Civil registrar maging sa mga osiptal, lying- in clinic at eskwelahan.

Hinimok naman ng ahensiya na gawing pagkakataon ang civil registration month kung may mga kailangang ayusin o itama sa kanilang civil registry documents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *