PSA  taon-taon nang magdi-disseminate ng Provincial Product Accounts

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na taon-taon na itong magde-desiminate ng provincial Product Accounts na sinimulan ngayong taon.

Ayon kay Danilo Luceña, Chief Statistical Specialist ng Statistical Operations and Coordination Division ng PSA Region V, sa susunod na taon ay kanila namang ipi- presenta ang economic performance ng Camarines Norte para ngayong 2023 at ikukumpara ito sa 2022 at 2021.

Matatandan na nito lang December 13 ay nagkaroon Provincial Product Accounts for 2018-2022 Dissemination forum na ginanap sa isang hotel dito sa bayan ng Daet.

Sabi ni Lucerna sana ay mapalakas pa ng mga ganitong aktibidad ang mga Local Government Units at data providers dahil sila rin naman ang gumagamit ng mga datos para ma- monitor ang galaw ng provincial economy.

Kailangan umano ito bilang input sa paghahanda ng provincial development plan lalo na sa pagawa ng provincial development reports na importante ang mga kongkretong datos para masabi talaga ang sitwasyon ng ekonomiya.

Marami pa umanong i-aacount ang PSA sa susunod na taon tulad ng tourism at mineral asset accounts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *