Psychosocial at mental health ng mga bakwit ng Bulkang Mayon, isa sa mga pinaka rayoridad ng Albay PHO

LEGAZPI CITY – Isa sa pinakaprayoridad ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang psychosocial at mental health recovery plan para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PHO Mental Health Program Coordinator Kristin Miranda, ang iba’t ibang programa para sa psychosocial at mental health ay ipatutupad sa pakikipagtulungan ng Psychological Association of the Philippines (PAP) at ng Department of Health (DOH) Bicol sa pamamagitan ng mental health coordinators ng kani-kanilang ahensya.

Ayon pa kay Miranda, ang mental health program team mula sa PHO ay naka-deploy na sa mga evacuation camp mula noong Hunyo 15.

Sila umano ay nagsasagawa ng mental health and psychosocial support (MHPSS) aid para sa mga matatanda at bata sa tulong ng mga partner agencies tulad ng DOH Bicol , International Organization for Migration (IOM), Department of Education, Philippine Army, Philippine National Police, at PAP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *