PTFoMS, nag alok ng 50k pabuya sa gunman na pumatay sa isang broadkaster sa Mindoro

Nag alok ng 50k na pabuya ang Presidential Task Force on Media Security sa makakapagturo sa gunman na pumatay sa local radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin sa Oriental Mindoro.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay si PTFoMS Usec. Paul Gutierrez, Presidential Communications Office , at Department of Justice sa pamilya at kaibigan ng yumaong brodkaster

Si Bunduquin ang ikalawang radio blocktimer na nasawi simula October 2022, bukod sa pagpasalang sa mamahayag na si Percy Lapid.

Samantala, tiniyak naman ng PTFoMS na patuloy nilang isusulong ang kanilang mandatong bigyang-proteksiyon, kalayaan, at seguridad ang mga hanay ng media sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *