PTO So.Cot, naghahanda na para sa distribution ng social pension ng mga senior citizens

KORONADAL CITY- NAGHAHANDA na ang Provincial Treasurers Office o PTO South Cotabato para sa distribution ng social pension ng mga senior citizens.

Inihayag ni Provincial Treasurer Alvim Batol na nadownload na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ang P 76 million ng kabuuang P 200 million na pondo para sa disbursement sa unang semester ng 2023.

Ayon kay Batol na tatlong teams ang kanilang binuo na mag-iikot sa iba’t ibang LGUs para sa distribution ng social pension.

Uunahin ng PTO ang distribution ng social pension ng mga senior citizens sa Koronadal City.

Matatandaan na kamakailan lamang, lumagda sa isang Memorandum of Agreement sina Governor Reynaldo Tamayo Jr at DSWD 12 regional director Loreto Cabaya Jr para sa disbursement ng social pension.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *