Public hearing kaugnay sa panukalang PNP Certificate of Conformity Ordinance sa bayan ng Basud itinakda na sa Enero 2024

CAMARINES NORTE – Itinakda na sa Enero 2024 ang public hearing kaugnay sa panukalang ordinansa na magmamandato sa lahat ng business establishment sa bayan ng Basud Camarines Norte na gumagawa, nagma-manufacture at nagdi- distribute ng PNP uniforms at insignia at iba pang related accessories  na mag- secure ng certificate of conformity sa PNP.

Ito ang napag- usapan sa huling regular na sesyon ng Sangguniang Bayan para sa taong 2023 na ginanap kahapon.

Iimbitahan sa public hearing ang mga target business establishment, Punong barangays at PNP.

Sa ilalim ng ordinansa ang mga negosyong engage sa paggawa ng PNP uniforms, insignas at related accessories ay kinakailangang mag secure ng PNP Certificate of Conformity maliban pa sa business permit.

Ang pinagbasehan  ng panukalang ordinansa ay ang Executive Order No 297 na nagreregulate sa  paggamit, manufacture, pagbebenta at distribution ng police owned industrial designs of uniforms.

Batay sa panukala, ang mga  business establishment na lalabag sa ordinansa ay maaaring ma revoke ang business permit at maharap sa kasong administratibo, kriminal at sibil.

Para sa epektibong implementasyon ng ordinansa sakaling maaprobahan ay isasama ang PNP sa  Integrated- Business Permit Licensing System (BPLS) sa pamamagitan ng Business permit and licensing Division. Ito ay upang masiguro na ang lahat na covered establishments na nag- aaplay ng business permit ay mai- evaluate ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *