Public hearing para sa panukalang ordinansa na magre-regulate sa operasyon ng mga resorts sa bayan ng Basud isinagawa kaninang umaga

CAMARINES NORTE- Isinagawa kaninang umaga ang public hearing kaugnay sa panukalang ordinansa na magre-regulate sa operasyon ng mga swimming at beach resorts sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay sa gitna ng pagsulputan ng mga resorts sa naturang bayan na hindi accredited ng Department of Tourism.

Ayon sa may akda ng ordinansa na si Coun. Shaina Jules Lopez importanteng ma- regulate at maayos ang business permit ng mga resorts dahil iba na rin aniya kung mayroong legal na papel.

Ang layunin umano ng ordinansa ay para i-guide ang mga may ari ng establishment ng naayon sa batas.

Binigyang diin ni Lopez na ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Hindi lang umano ang mga guest ng resort ang magbebenepisyo kapag nagkaroon ng maayos na regulasyon kundi maging ang mismong establishment.

Mas marami umano ang mga pupunta sa isang establishment kung alam ng mga tao na ito ay ligtas at may kaukulang permits galing sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Lopez na alinsunod sa Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 bawal na talagang bigyan ng permit ang mga resorts na hindi accredited ng DOT.

Matatandaan na noong isang taon ay sinabi ng  Provincial Tourism Office na kanilang ikukunsidera ang mga resort na wala pang accreditation sa Department of Tourism (DOT) basta mayroong maipapakitang Mayor’s Permit.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Mariano “Bong” Palma maaari nilang i-consider ang mga resort na mayroong Mayor’s Permit habang hinihintay ang DOT accreditation.

Sinabi ito ng opisyal sa Maritime Stakeholders Meeting na inorganisa ng Philippine Cost Guard (PCG) Mayo noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *