Publiko binalaan laban sa mga kadalasang sakit sa tuwing malamig ang panahon

CAMARINES NORTE – Ramdam na ang ihip ng hanging amihan at inaasahang lalamig pa ang panahon sa mga susunod na araw.

Bukod sa patuloy na banta ng COVID-19, inaasahang dadami  rin ang iba pang respiratory diseases ngayong taglamig tulad ng trangkaso at pulmonya.

Kaugnay nito ay nagbigay ng mga paalala ang isang doktor kung paano makakaiwas sa mga sakit  na kadalasang nakukuha ngayong taglamig.

Ayon kay Dr.  Joel Paolo Delos Reyes, Municipal Health Officer ng Basud, Camarines Norte mayroon silang libreng flu vaccine  para maiwasan ang influenza na isa karaniwang virus na nagiging dahilan ng sintomas ng ubo at sipon.

Mayroon din umanong pneumococcal vaccine ang Rural Health Unit para malabanan ang pneumonia na isa namang strain ng pulmonya o impkesyon sa baga.

Ibinibigay ang flu vaccine t aon- taon at kada limang taon naman ang bakuna kontra pneumonia.

Sabi ni Dr. Delos Reyes lumalabas sa mga pag- aaral na dalawang bagay ang mahina sa mga Pilipino ang ilong at ang mata.

Payo rin ng doktor na iwasan ang mga nakakairitang amoy tulad ng usok ng sigarilyo at balahibo ng hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *