Publiko, lalo na ang mga estudyante, pinag-iingat sa mga ahas at mga asong-ulol dahil sa kamandag at rabies ng mga ito sa Milaor, Camarines Sur

NAGA CITY – Magkatabi lamang ang Naga City at ang bayan ng Milaor, Camarines Sur kaya hindi kataka-takang magpalitan lamang ng lugar ang mga ahas at ang mga asong-ulol, na mapanganib sa publiko lalo na sa mga estudyante at sa mga bata.

Sa sitwasyong ito, ang Milaor Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, tiniyak na anumang mangyari o kung dumating man ang senaryong may nakagat handa silang mag-respondi sa mga biktima para bigyan ng paunang lunas o kaya dahil sa pinakamalapit na ospital sa lungsod, ang Bicol Medical Center.

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Edwin Olitoquit , Head ng MDDRMO sinabi niyang wala pa namang nangyayaring ganitong insidente sa bayan nila, subalit lagi ang paalala nila sa mga paaralan na dapat panatilihin ang kalinisan para hindi magka-ahas o kaya naman iwasan ang aso sa kalsada.  

Sa Naga City, may ilang bahay at paaralan ang pinasok na ng ahas, wala namang nakagat pa at ang mga nahuling ahas ay agad na ring dinadala sa Provincial Environment and Natural Resources Office matapos na mahuli ng mga personahe ng City Veterinary Office at ng mga taga barangay.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *