PUJs na lumalabag sa 70% passenger capacity, dapat na ireklamo – SORINTRAFED

SORSOGON CITY – Huwag mag-atubiling ipaabot sa amin, ito ang naging pahayag sa Brigada News ni Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) President Ramon Dealca sa harap ng mga reklamo ng ilang pasahero kaugnay ng overloading ng ilang PUJ’s.

Payo ni Dealca sa riding public, sakaling makaranas ng paglabag,  kunin dapat ng pasahero ang plate number at ruta ng nasabing jeepney at ipagbigay-alam sa kanila upang kanilang mabigyan kaukulang aksyon.

Pagtitiyak ng opisyal hindi niya papayagan ang sinumang tsuper at operator na malabag ang anumang Inter-Agency Task Force (IATF) protocol.

Una rito, ilang mananakay ang nagrereklamo sa istasyon ng Brigada News kaugnay ng overloading sa mga PUJ’s lalo na tuwing hapon kung saan ayon sa mga ito ay nalalabag na ang physical distancing habang ang pamasahe ay ‘double ride’ pa rin. Ayon sa mga nagrereklamo, ”lugi” umano sila dahil hindi naman bumaba ang pamasahe.

Kung babalikan, mula sa dating 50%, itinaas sa 70% ang passenger capacity ng public utility vehicles (PUVs).

Kasunod ito ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at tuloy-tuloy na vaccination roll-out ng gobyerno.

Batay sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr), nag-isyu ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng Resolution No. 146, na pumapayag na taasan ang passenger capacity na nagsimula noong Nobyembre 4.

Obtubre 28 nang aprubahan ng IATF ang rekomenadasyon ng DOTr.

Bukod dito, pinayagan na rin ng LTFRB ang pagtanggal ng mga plastic barriers sa mga pampublikong sasakyan sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *