Pulis na nagpaputok ng baril sa isang bar sa Quezon City – sibak na sa puwesto

Dismissed na sa serbisyo ang kontrobersyal na police official na si PLt Col. Mark Julio Abong .

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa pulong balitaan kaninnag umaga sa Kampo Krame.

December 18 nang pirmahan ng PNP chief ang kanyang dissmissal order.

Ipinatupad ito matapos ibasura ng DILG at NAPOLCOM ang apela ni Abong kaugnay sa “Hit and Run” incident noong 2022 na ikinasawi ng isang tricycle driver at ikinasugat ng iba pa.

Naging mas kontrobersyal pa ito matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa isang bar sas Quezon cIty noong isang taon.

Dahil sa dimissal, hindi na matatanggap ni Abong ang kanyang benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *