Pulis na namaril sa 52-anyos na ginang sa Quezon City, pinagalitan ni PNP chief General Guillermo Eleazar

Dinuro-duro at pinagalitan ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar ang pulis na naaresto dahil sa pamamaril sa 52-anyos na babae sa Quezon City.

Sa 30-segundong video na pinost ng PNP sa mga social media accounts nito, ay makikita si Eleazar na galit na sinisigawan si Police Master Sergent Hensie Zinampan habang hinahawakan ang damit nito at tinutulak papunta sa pader.

Kinwestyon ni Eleazar si Zinampan kung ano ang nasa isip nito at nagawa nitong pumatay ng tao.

Base sa mga ulat, ay lango umano sa alak si Zinampan nang kumprontahin at barilin nito ang biktima na si Lilybeth Valdez, na bumibili lamang ng sigarilyo sa isang tindahan sa Barangay Greater Fairview.

Naganap ang insidente noong Lunes bandang 9:30 ng gabi.

Una nang sinabi ni Eleazar na inutusan na niya ang mga pulis na pabilisin ang imbestigasyon laban kay Zinampan.

Humingi na rin ng paumanhin si Eleazar sa pamilya ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *