Pulis na nanutok ng baril habang naninita sa Tondo, Maynila – iniimbestigahan

Gumugulong na ang kaso laban sa pulis na nanutok ng baril habang naninita sa Tondo, Maynila.

Kwento ng biktima, may nasusugal sa isang kanto at biglaang pinahinto ng lalaki.

Nang maramdaman na ng pulis na inilabas na nito ang cellphone para videohan ang pangyayari – bumunot, kumasa, at tinutok sa sintido ng biktima.

Ayon kay MPD District Director Police Col. Arnold Thomas Ibay, nakikita nitong paglabag ng pulis ay grave threat at administratibong kaso na grave misconduct.

Giit ni Ibay, hindi pwedeng basta-basta na lamang manutok ng baril ang mga pulis kung wala namang nararamdamang bansa sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *