Pulis nagbaril umano sa sarili sa loob ng firing range, patay

Dead on the spot ang isang pulis matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng firing range sa Angeles city.

Ang biktima ay isang 42 anyos na pulis, na naka assign sa Police Security and Protection Group o PSPG at residente ng San Fernando Ville sa syudad ng San Fernando.

Sa report ng PNP, naganap ang insidente nitong Mayo 8, pasado alas nueve ng umaga.

Nag renta umano ang biktima ng baril at dalawang bala, pagdating sa bay 5 ng firing range, habang inaasistihan ito ng kanyang range officer, bigla na lang nitong itinutok sa kanyang ulo ang baril at kinalabit na nagdulot ng agaran nyang pagkamatay.

Isasailalim naman sa paraffin test ang biktima at ang range officer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *