Pulis – patay sa engkuwentro sa NPA sa Bohol

Kinumpirma ng Visayas Command na kabilang sa na-neutralize ng mga otoridad sa Joint Enhanced Military Operation kaninang umaga ang top leader ng New People’s Army sa Bohol

Si Domingo Jaspe Compoc aka Silong, ang Secretary ng nabuwag na Bohol Party Committee, ay kabilang sa limang terorista na nasawi sa Joint Enhanced Military Police Operation (JEMPO) ng 47IB at Bohol Police Provincial Office.

Sa naturang operasyon, narekober din ng mga tropa ang 6 na armas ng kalaban kabilang ang isang M653 assault rifle; isang R4 assault rifle; isang M16 rifle; at 3 Cal. .45 pistols.

Ayon kay Visayas Command CommanderLieutenant General Benedict Arevalo, ang notoryus na lider-komunistang si Compoc ay may patong sa ulong 2.6 milyong piso, at wanted sa iba’t-ibang kaso, kabilang ang rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder, at robbery.

Ayon kay Lt. Gen. Arevalo, ang matagumpay na operasyon ay nagsisilbing mensahe sa mga nagtatagong teroristang komunista na hindi titigil ang militar na habulin ang mga ito

Samantala, isang pulis naman ang patay, at isang pulis din ang sugatan.

Batay ito sa ipinadalang mensahe sa Brigada News Fm Manila ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *