Pulis sa checkpoint patay matapos banggain ng umano’y lasing na estudyante sa Cavite

Patay ang isang miyembro ng Regional Mobile Force Battalion habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos sagasaan umano ng isang lasing na driver sa Barangay Tubian, Silang Cavite.

Kinilala ang biktima na sina Patrol John Carl Autria Delyola, 27 years old at si Patrol Adriane Caramdang Atienza, 29 years old at kapwa nagbabantay sa checkpoint noong araw na iyon.

Kinilala naman ang driver na si Jemuelle Arvee Benardo Belen, 22 years old, isang estudyante ng Silangang Cavite.

Base sa report minamaneho ng suspek ang kanyang sasakyan galing sa Tagaytay patungo sanang silangan nang banggain nito ang mga biktima kabilang ang checkpoint signage.

Dahil dito, nakaladkad at tumilapon ang mga biktima na naging sanhi ng pagkamatay ni Delyola.

Kasalukuyang inihahanda naman ang kasong isasampa kay Belen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *