Pulis sa India, nagmistulang bayani nang mailigtas ang buhay ng isang ahas sa pamamagitan ng ‘mouth-to-mouth resuscitation’

Kalimitan na ginagamit ang ‘mouth-to-mouth resuscitation’ para sa mga taong nalunod o nahihirapan huminga dulot ng atake sa puso.

Ngunit, alam niyo ba na puwede rin pala ito gawin sa ibang nilalang gaya ng ahas?

Ganiyan kasi mismo ang ginawa ng isang pulis na si Atul Sharma sa India na siyang nagdugtong ng buhay ng nasabing ahas.

Isang non-poisonus naman na uri ng ahas ito at ginawa ng isang pulis ang pag-mouth-to-mouth dahil sa buhusan ito ng pesticide ng mga residente dahil sa hindi ito mapaalis sa isang pipeline.  

Nawalan nga ng malay ang ahas at sa mga susunod na pangyayari, tumawag na ang mga residente ng otoridad at dito na nga isinagawa ng isang pulis ang pagligtas sa naturang ahas.

Nang magkamalay ang ahas, makikita sa bidyo na nagsipalakpakan ang mga taong naroroon sa pangyayari.

Dahil rito, itinuring na isang bayani si Atul na siya namang hinahangaan ngayon ng karamihan.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *