Pulisya sa Camarines Sur inaalala ang kabayanihan ng SAF 44

CAMARINES SUR- “Fallen but Never Forgotten”. Nakasulat na sa kasaysayan ng bansa ang Mamasapano Incident sa Mindanao , 9 taon na  ang nakakararaan; nagbuwis ng buhay ang 44 mga Special Action Force (SAF) Commando o Fallen 44.

Maging sa mga official facebook pages ng mga Municipal Police Stations at Camarines Sur Police Provincial Office, makikita muli ang mga larawan ng mga kinikilalang bayani sa Oplan Exodus sa Mindanao.

Pagbabahagi sa Brigada News FM Naga ni Lupi Chief of Police Police PMAJ. Bienvinido Enciso, marami silang napulot na aral sa pangyayari lalo na ang maayos at matibay na komunikasyon gayundin ang koordinasyon. Pasalamat ang hepe sa kaniyang mga kabaro at mga counterparts na napapanatili ito sa kanilang bayan.

Enero 25, 2015, napatay sa anti- terrorism operation ang dayuhang teroristang si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan at Basit Usman, ang Pinoy na umanoy kasama nito.  Subalit nasawi rin ang mga pulis sa pag-atake ng mga kalaban sa Mamasapano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *