Pulisya, tinitingnan ang lahat ng motibo sa nangyaring bomb scare sa Kamara

Puspusan ang ginagawang pakikipag ugnayan ng Philippine National Police sa Kamara kaugnay sa nangyaring bomb scare kahapon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at nakikipag ugnayan na rin sila sa kongreso.

Sa ngayon tinitingnan din nila ang lahat ng anggulo sa likod ng naturang bomb scare.

Maliban dito tumanggi nang magbigay pa ng ibang detalye si Acorda habang on going anya ang kanilang imbestigasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *