Pulitika ang nasa likod ng HB No. 9710 – SMNI Legal counsel

Naniniwala ang legal counsel ng Sunshine Media Network Inc. na si Atty. Rolex Suplico na pulitika ang nasa likod ng isinusulong na House Bill No. 9710 na magre-revoke sa prangkisa ng nasabing network.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Suplico, sinabi nitong kahit siya ay napapaisip kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit kailangang bawiin ang prangkisa.

Tinitingnan din daw nila ang pagiging malapit ng SMNI sa pamilya Duterte, partikular na kay VP Sara Duterte.

Maaari raw kasing konektado ito sa posibleng banggaan sa pulitika ng bise presidente at ng liderato ng Kamara.

Sa huli, binigyang-diin ni Suplico na first time niyang makakita ng prangkisa na ire-revoke, at hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang magsagawa ng anim na hearings para tanggalin ang prangkisa ng isang network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *