Punong Brgy. ng San Francisco, Naga City, may panawagan sa mga telecommunication company na maging ma-ingat sa pagkabit ng kable

NAGA CITY – Nananawagan ngayon ang Punong Barangay ng San Francisco, Naga City, sa mga Telecommunications Company na maging ma-ingat sa pagkabit ng kanilang mga kable, dahil isa sa dahilan minsan kaya may mga nasisirang CCTV sa barangay ay ang madalas na natatamaan na mga wire o kahit mismo ang naturang camera.

Sa panayam kay Kapitan Efren Nepomuceno, maliban kasi sa nais nilang mapangalagaan ang mga ito bilang monitoring sa mga posibleng insidente, lalo na kung gabi, wala silang sapat na pondo para makabili ng bago o kahit pampa-ayos at limitado pa ang nakalagay sa barangay, isa ang peace and order na nais mapanatili ng barangay bilang pagtitiyak sa seguridad ng bawat isa.

Maliban pa riyan isa pa sa tinitiyak ng barangay ay ang mga street lights, na sa ngayon ay may mahigit tatlompot walong nakalagay, may area lamang na hindi pa maliwanag dahil sa ilang dahilan, ngunit siniguro naman na nakadeploy ang mga barangay tanod sa lugar at in action palagi lalo na para sa mga mag-aaral na gabi kung umuwi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *