Pusa sa US, nag-viral dahil sa nagmistula itong employee ng isang hardware

Isang pusa kamakailan sa U.S ang nag-ala empleyado dahil sa kasuoton nito na siyang nagbigay hudyat para mapansin ng isang Tiktoker.

Ayon sa Tiktoker na si Jeffrey Slimpkins, kapansin-pansin umano ang suot ng pusa at mayroon pa umanong nametag na may nakasulat na “Hello, my name is Leo”.

Dahil sa postura ng pusa ay naintriga ang Tiktoker at kinuhanan ito ng bidyo at dito na nga nagmistulang instant celebrity si Leo dahil nag-viral ang naturang bidyo nang mai-upload ito sa Tiktok.

Ayon sa mga store employee, dinala lang umano si Leo sa tindahan upang madakip ang daga na umaaligid sa hardware.

Ngunit, hindi nila inakala na kaakibat ng pakulong nangyari sa pusa at simula nang mag-viral ito ay tumaas ang sale ng tindahan dahil sa mga taong dumarayo sa kanilang branch. ###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *