Putin, hindi dadalo sa state funeral ni dating Japanese PM Abe

Kinumpirma ni Kremlin Spokesman Dmitry Peskov na hindi dadalo si Russian President Vladimir Putin sa state funeral para kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Giit ni Peskov, malalaman ang “level of Russian participation” sa mga susunod na araw.

Ang tugon ng Kremlin ay matapos lumutang ang mga ulat na pinagbawalan ng Japan ang presidente ng Russia na dumalo sa naturang state funeral, dahil sa stance ng bansa sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine, maging ang ipinataw na ban sa pagpasok ng mga opisyal ng Moscow sa Japan, dahil sa sanctions ng EU.

Mababatid na ang state funeral sa dating Japan prime minister ay itinakda sa September 27.

Una nang sinabi ni Japan’s Deputy Chief Cabinet Secretary Seiji Kihara, na naabisuhan na nila ang lahat ng mga kaalyadong bansa, kung saan sila may diplomatic ties, kabilang na ang Russia, para sa naturang seremonya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *